Wednesday, January 17, 2007

Nasaan Ka Impact?

galing ako sa convenience store ni iroll: http://errol-bukog.blogspot.com/ at nakita ko yung kalokohan nyang ginawa. may lista sya ng mga salitang binigyan nya ng modified definition, ala devil's dictionary. and he called the list EV as in Errol's Vocabulary. the meanings are based on his "reality" or his everyday experiences. you can look it up here: EV.

haaay nako. talagang nakakarelate ako sa definition nya ng thesis kasi mula pa nung isang taon ay sinusubukan kong simulan na ang thesis kong kailangan ko na talagang tapusin sa pinakamadaling panahon. nung nasa planning stage pa ko super ambisyoso ng mga gustong gawin. yung tipong mga world changing studies na makakalutas sa world hunger or mindanao conflict.

kung hindi nga ako pinigilan ng parter- in- crime ko sa school na si ice, talagang may koneksyon sa mindanao conflict ang study ko. development communication management kasi ang kinukuha ko ngayon. kasali sa pinag aaralan namin ang culture and communication at kung paano maiiwasan ang miscommunication na dala ng mga cultural barriers. gusto ko sanang malaman kung anong edad nagsisimula ang prejudices ng mga bata ukol sa ibang relihiyon, ethnicity, kultura, social stratification, gender, etc. at kung saan nanggagaling ang prejudices na iyon. kapag nalaman na natin kung anong edad at kung saan nagsisimula ang mga prejudices, saka na papasok ang role ng paaralan. ako rin ang gagawa ng training modules para sa teachers kung paano puksain habang maaga pa ang prejudices ng mga bata para pag laki nila, magiging mga ideal filipino citizens sila, marunong gumalang sa kapwa nila pilipino kahit magkaiba ng paniniwala, kultura, at relihiyon. tapos ieevaluate ko yung mga bata kung effective ba yung paraan kong naisip.

o diba, napaka ambisyosa ko!

ang ending, gagawa nalang ako ng impact evaluation ng waste segregation campaign ng city government of davao sa isang baranggay dito. nakausap ko rin ang adviser ko, wag ko na raw ipacomplicate ang mga bagay. ang thesis daw, dapat feasible. may point sya. siguro kung ipagpapatuloy ko yung plano kong mindanao conflict, 48 years old nako e hindi pa ko tapos sa thesis ko. pangpalubag loob ko nalang na yung bago kong topic e timely at wala pang gumagawa sa skwelahan namin. hahay.

hanggang ngayon wala pa akong nasulat. nung november pa ako nag enroll pero wala pang nangyayari sa thesis ko. sabi ng adviser ko, talagang mahirap magsimula pero pag nasimulan na, tuloy- tuloy na raw ang mga ideas. pinipiga ko ang utak ko kung paano sisimulan tong study ko na ito.

sa ngayon, ang plano ko ay mag focus muna sa library work. pero ang ending ay nang ookray lang ako ng mga thesis ng mga Ed. D. at Ph. D. na parang term paper ko lang nung second year college ako. bago may mabwisit sakin, hindi po ako nagmamagaling, wala po akong maipagmamalaki. wala lang talagang kwenta mga study nila. to think na Ed. D at Ph. D sila. tapos bigla kong naisip na baka pagnatapos ko tong thesis ko, may mga maaangas ring estudyanteng ookray sa thesis ko. gusto ko sana, as much as possible, na ang thesis ko ay mapagmamalaki ko. pero mukhang pang comply nalang sa requirement ang mangyayari sakin, tulad ng marami pang ibang nanggaling na sa pinagdadaanan ko ngayon.

3 comments:

Anonymous said...

bwahaha. gusto kong pangalanan ang isang PHD thesis sa state U ng agila (Obrer0) na parang ginawa ko sa COMM 2.

now ur giving me a reason kung bakit dapat ko pang idelay ang thesis ko..

tumpak, assessment, evaluation nasaan ka?

Anonymous said...

hanggang ngayon ay di ko alam kung paano sisimulan ang dapat simulan..haay life! buti sana kung matapos ko ang thesis ay may mag offer sa akin ng refund..hehehe..babaw ko..ehehe

Anonymous said...

hahaha, sinabi mo pa! i know one phd grad, cum laude sa undergrad, pero ang thesis niya was like a paper i wrote nung sophie ako...medyo marami nga lang xang na-site na references pero naman, yung papers natin sa comm2 pang one week lang...hindi sa nagmamagaling, pero mataas lang talaga ang naging expectations ko, now i know dapat mag-settle for something lesser, and that i only have to go back to my undergrad papers at baka pwede na xang full-blown ms thesis.